Tuesday, June 17, 2008

Published 8:12 PM by with 0 comment

A Poem

I read this poem from the book entitled “Ang Gintong Habihan” its a compilation of Don Carlos Palanca Memorial Award-winning stories and poems. This poem reminded me of my Mama, Mamang, my Lola Eling and Lola Pilar and so I dedicate this poem for them.


Papel de Liha

ni Ma. Corazon Remigio

Ang nanay ko ang imis-imis.
Pag may duming nakadikit, kiskis ditto, kiskis doon.
Pag may mantas sa damit, kuskos ditto, kuskos doon.
Pag may sebo sa kawali, kaskas ditto, kaskas doon.

Dakdako siya sa sala at mag- aayos.
Pag may diyaryong nakakalat, ligpit ditto, ligpit doon.
Pag may turnilyong maluwag, higpit ditto, higpit doon.
Pag may kutson na maumbok, pitpit ditto pitpit doon.

Papasok siya sa kusina at magbubusisi.
Pag may ulam na malamig, salang ditto,salang doon.
Pag may isda na sariwa, sigang ditto, sigang doon.
Pag may kalan na tabingi, kalang ditto, kalang doon.

Tutuloy siya sa silid at titingnan and aking gamit.
Pag may sintas na maluwag, tali ditto, tali doon.
Pumunta ako sa tindahan ni Aling Epang
at bumili ng papel de liha.

Magaspang ito. Mahapdi sa balat.
Gasgas ang kahoy sa isang kaskas.
Nisnis ang damit sa isang isis.
Ganito nga ba kagaspang ang kamay ni Nanay?

Minsan, nilagnat ako at napilitang mahiga.
Si Nana yang tumabi sa akin.
Nang tumaas ang lagnat ko, punas ditto, punas doon.
Nang sumama ang pakiramdam ko, lunas dito, lunas doon.
Nang sumakit ang mga buto ko, himas ditto, himas doon.

Pero bakit hindi mahapdi ang himas ni Nanay?
Bakit hindi nagasgas ang balat ko nang
humimas at humaplos siya sa akin?
Lalo akong guminhawa sa bawat himas ni Nanay.
Mali si Tita Maring.
Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay.

Nang magaling na ako, nakita ko nanaman
si Nanay na umiikot sa bahay.
Pag di pantay ang laylayan ng kurtina, lilip dito, lilip doon.
Pag may bubuwit sa silong, silip dito, silip doon.
Pag may palay sa bigas, tahip dito, tahip doon.

Pag may laruan nagkalat, kipkip dito, kipkip doon.
Pag nabukulan ako, kapkap dito, kapkap doon.
Pag may ligaw na kuting, kupkop dito, kupkop doon.

Minsan nakita kong magkahawak-kamay sina Nanay at Tatay.
Ang sarap tingnan.
Mali talaga si Tita Maring.
Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay.

Hindi papel de lihang isis dito, isis doon.
Kiskis dito, kiskis doon.
Kaskas dito, kaskas doon.

Pero di ko parin matiis na tanungin si Nanay kung bakit
nasabi ni Tita Maring na papel de liha ang mga palad niya?

“Anak, makapal at magaspang na
ang mga palad ko dahil sa kakatrabaho,”
ang sabi niya.
Inisip ko, pinalambot ng magaspang
na kamay ni Nanay ang unan sa ulo ko.
Ang manok na nilaga.
Ang kutson sa upuan.
Ang medyas at kamiseta ni Tatay.
Ang lupang batuhan.
Pati lumang pandesal, lumambot din.

Pumunta ako kay Nanay at
humawak sa kamay niya.
Pakiramdam ko, kahit kailan,
ayaw ko nang bumitaw pa.

0 comments: